May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Resulta ng halalan, igalang—Obispo

Resulta ng halalan, igalang—Obispo
via CBCP news

Nananawagan ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa mga Pinoy na igalang ang naging resulta ng halalan, anuman ang kinalabasan nito.

Sa kaniyang mensahe ng pag-asa at pagkakaisa, binigyang-diin ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang kahalagahan ng paggamit ng karapatang bumoto at ang pagtanggap sa kalooban ng nakararami.

“I am happy with this exercise of our right to choose our Leaders. Those whom we voted for, manifest our truest values in life,” ayon kay Abp. Jumoad.

Nagpasalamat din siya sa isang mapayapang halalan at aktibong pakikilahok ng mga mamamayan dito.

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

Hinimok din ng arsobispo ang lahat na igalang ang resulta ng eleksyon, anuman ang naging kinalabasan.

“Let us respect the results of this election. To the winners, congratulations! To the losers, accept the verdict of the people."

Paalala pa ni Abp. Jumoad sa mga nahalal na opisyal na pairalin ang katapatan at sinseridad sa kanilang panunungkulan.

“May the winners always uphold honesty and sincerity as they perform their post as elected officials of the Land,” aniya. “Let us be good citizens of our country. Mabuhay ang Pilipinas.”