May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Praying hand emoji' ni Sen. Bong, usap-usapan; 'di raw tumalab budots, agimat?

'Praying hand emoji' ni Sen. Bong, usap-usapan; 'di raw tumalab budots, agimat?
Photo courtesy: Ramon Bong Revilla, Jr. (FB)

Usap-usapan ng netizens ang "praying hand emoji" si Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa kaniyang Facebook post, Martes, Mayo 13, isang araw matapos ang 2025 National and Local Elections, at matapos maglabasan ang partial and unofficial results ng Commission on Elections (Comelec).

Espekulasyon ng mga netizen sa comment section, tungkol ito sa partial and unofficial senatorial race result kung saan hindi pa siya pasok sa top 12.

Walang inilagay na caption o post ang senador tungkol dito.

Photo courtesy: Screenshot from Ramon Bong Revilla Jr. (FB)

Batay kasi sa pinakahuling partial and unofficial result as of 7:31 ng umaga, Martes, Mayo 13, ang mga nasa top 12 ay sina Sen. Bong Go, Bam Aquino, Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa, Erwin Tulfo, Atty. Kiko Pangilinan, Rep. Rodante Marcoleta, mga dating senador na sina Ping Lacson at Tito Sotto III, Sen. Pia Cayetano, Rep. Camille Villar, at Sen. Imee Marcos.

Eleksyon

Trillanes, talo kay Along; 'di raw kinaya pwersa ng pera ng kalaban

Naungusan pa siya ng broadcast journalist na si Ben Tulfo bago ang kaniyang slot. Sumusunod naman sa kaniya si Makati City mayor Abby Binay.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa comment section ng kaniyang post:

"Dasal lang po senator"

"Hindi man po kayo pinalad sa ngayon ,nawa sa mga darating pa na panahon kung ipagkakaloob mangyayari po uli ."

"Hindi yata tumalab ang budots and agimat haha"

"Still praying, puwede pa 'yan"

"Sana mkpasok c Senator Bong Revilla. Mdami nman syang nagawa."

"Just focus and concentrate on your family. Enough is enough!!!"

"HINDI ATA GUMANA YONG BUDOTS STYLE LAOS NA DAPAT SANA YONG BAGO YONG KAY ELIAS SABAK KA DERI"

"He needs 1M agimats this time."

Si Revilla ay re-electionist sa pagkasenador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.