May 14, 2025

Home BALITA National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo
MANILA BULLETIN FILE PHOTO

Magandang balita dahil magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng tapyas sa singil ng kuryente ngayong Mayo 2025.

Sa abiso ng Meralco, nabatid na nasa 75 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang bawas sa singil sa kanilang household rate ay dulot ng mas mababa ring generation at transmission charges.

Ayon sa Meralco, dahil sa naturang P0.7499/kwh na tapyas sa singil sa kuryente, ang kanilang overall rate ay bababa rin sa P12.2628/kwh na lamang, mula sa dating P13.0127/kwh noong Abril.

Nangangahulugan ito na ang mga tahanang nakakakonsumo ng 200 kwh na kuryente kada  buwan ay makakatipid ng P150; P225 naman sa mga nakakagamit ng 300 kwh; P300 sa mga nakakagamit ng 400 kwh at P375 naman sa mga tahanang nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.

National

Frontal system, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH

“The rate reduction is due to lower generation and transmission charges,” anunsiyo pa ni Meralco vice president at Corporate Communications head Joe Zaldarriaga.