May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Marjorie Barretto, Dennis Padilla parehong kinapos ng boto sa Caloocan

Marjorie Barretto, Dennis Padilla parehong kinapos ng boto sa Caloocan
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)/via Balita

Parehong kinapos ng mga boto sa halalan ang dating mag-asawang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla na kumandidatong konsehal sa magkahiwalay na distrito sa Caloocan City.

Si Barretto, dating konsehal ng ikalawang distrito, ay kumandidato naman sa pagkakonsehal sa unang distrito na nasa slate ni Mayor Along Malapitan, na proklamado na bilang mayor ulit ng lungsod, sa ikalawang termino. Nasa pampitong puwesto lamang siya na nakakuha ng 2,517 boto batay sa partial at unofficial tally nitong 4:31 ng madaling-araw, Martes, Mayo 13.

Ang dating mister naman na si Dennis Baldivia o "Dennis Padilla" ay tumakbong konsehal sa ikalawang distrito, bilang independent candidate, pero gaya ni Marjorie, hindi rin sumapat ang boto para sa kaniya matapos matapos mag-16 sa puwesto at makalikom ng 7,480 boto.

Matatandaang kamakailan lamang ay nabuhay ang isyu sa pagitan ng dalawa matapos ang kasal ng anak nilang si Claudia Barretto.

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

Hindi napigilan ni Marjorie na hindi na magsalita matapos ang pagra-rant post ni Dennis sa social media, na hindi siya ang naghatid sa altar sa anak.

KAUGNAY NA BALITA: Marjorie Barretto, bumwelta kay Dennis: ‘My kids’ trigger is their father!’

Samantala, wala pang pahayag mula sa dalawa.