May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista
photo courtesy: April Aguilar, Cynthia Villar (Facebook)

Natapos na ang canvassing ng mga boto sa Las Pinas City bandang 1:05 ng madaling araw, Martes, Mayo 13.

Si Vice Mayor April Aguilar ang papalit sa kaniyang ina na si Mayor Imelda Aguilar bilang bagong mamumuno sa lungsod. Nakakuha siya ng 117,800 boto, kumpara sa kalaban niyang si Carlo Aguilar na may 80,800 boto.

Samantala, si incumbent Mayor Imelda naman ang bagong vice mayor ng lungsod matapos niyang makuha ang 123,622 boto.

Natalo niya ang running mate ni Carlo na si Louie Bustamante na may 68,058 boto.

Eleksyon

DuterTHREE na lang? VP Sara sa unofficial election result: 'Not what we had hoped for'

Para sa pagka-kongresista, natalo si Senador Cynthia Villar dahil nakakuha lamang siya ng 79,315 boto kumpara sa kalaban niyang si Mark Santos na may kabuuang 109,220 boto.