Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga militanteng grupo at organisasyon sa pangunguna ng "Kontra Daya" sa Roxas Boulevard, Martes, Mayo 13, isang araw matapos ang naganap na 2025 National and Local Elections.
Layunin umano ng kanilang demonstrasyon ang pagpapahayag ng kanilang concerns tungkol sa mga nabalitaang "iregularidad" at mga isyung naranasan ng mga botante sa naganap na halalan noong Lunes, Mayo 12.
Kinalampag ng mga raliyista ang Commission on Elections (Comelec) na agad na i-address ang isyu upang mas matiyak ang transparency at voter protection sa mga susunod pang halalan.
Samantala, sa isinagawang press conference ng Comelec bandang 5:00 ng hapon pagkatapos ng halalan, ilang mga isyu ang sinagot ni Comelec Chairman George Garcia. Isa na rito ang isyu ng mga hindi tugmang resibo sa ibinoto ng botante sa kaniyang balota, aberya ng Automated Counting Machines (ACMs), at iba pa.