May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Jason Abalos sa Comelec: 'Puwede po ba palitan picture sa voters ID?

Jason Abalos sa Comelec: 'Puwede po ba palitan picture sa voters ID?
Photo courtesy: Jason Abalos (FB)

Tila relate ang maraming netizens sa apela ng aktor at public servant na si Jason Abalos matapos niyang ibahagi ang larawan niya sa listahan ng mga opisyal at rehistradong botante sa Commission on Elections (Comelec).

Kitang-kita kasi sa picture niya na lumang-luma na ito at tila kailangan na ng "upgrade" sa kung ano ang recent looks niya.

"COMELEC Pwede po ba palitan ang picture sa voters ID? Idol ko po kasi noon si Dirk Nowitzki, suot ko din Dallas jersey naglalaro kami sa plaza naisip ko lang po mag pa register " aniya sa kaniyang Facebook post

"(Panahong wala pang pangarap sa buhay )," dagdag pa niya.

Eleksyon

Jessy Mendiola, proud pa rin kay Luis Manzano

Hirit pa niya, "Sana sinabihan tayo na ipopost nila, pinag handaan sana natin."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ung sa amin, mukha kaming casualties ng Battle of Mactan."

"Ang guapo mo nga muka kng member ng moffats"

"Ganiyan din kami hahahaha"

"Paano naman ako na retokado na hahahaha"

"Parang nawawalang member ng The Beatles"

Noong 2016 elections, sumabak sa politika si Abalos sa ilalim ng Liberal Party, subalit hindi nanalo sa pagnanais na maging miyembro ng municipal council ng Pantabangan, Nueva Ecija.

Noong 2022 naman ay tumakbo siya bilang board member ng second district ng nabanggit na lalawigan sa ilalim ng PDP-Laban, at pinalad namang manalo.