May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Gwen Garcia, pinasususpinde proklamasyon ni Pam Baricuatro sa pagkagobernador

Gwen Garcia, pinasususpinde proklamasyon ni Pam Baricuatro sa pagkagobernador
Photo Courtesy: Gwen Garcia, Pamela Baricuatro (FB)

Naghain ng urgent motion si incumbent Cebu Governor Gwen Garcia para suspendihin ang proklamasyon ni Pamela Baricuatro na katunggali niya sa nasabing posisyon.

Batay sa inihaing petisyon ni Garcia sa Commision on Elections (Comelec) nitong Martes, Mayo 13, binanggit doon ang nakasaad sa section 72 ng Omnibus Election Code, na ang kaso umano ng diskwalipikasyon ay kinakailangang bigyang prayoridad, at ang pinal na desisyon ng Comelec ay dapat maisulit nang hindi lalampas sa 7 araw bago ang halalan.

“Considering that today is the canvassing of the election returns for the 2025 National and Local Elections, Petitioner respectfully moves for the suspension of the proclamation of Respondent as Governor of the Province of Cebu. This is in accordance with Section 11 of COMELEC Resolution No. 11046,” dagdag pa rito. 

Naungusan ni Baricuatro si Garcia sa pagkagobernador matapos niyang makakuha ng 1,092,525 kabuuang boto mula sa Cebu ayon sa partial and unofficial result ng Comelec.

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya