May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ejay Falcon tinanggap pagkatalo, babalik bilang pribadong mamamayan

Ejay Falcon tinanggap pagkatalo, babalik bilang pribadong mamamayan
Photo courtesy: Ejay Falcon (FB)

Tinanggap na ng aktor at tumakbong kongresista ng 2nd District of Oriental Mindoro na si Ejay Falcon ang kaniyang pagkatalo sa naganap na Eleksyon 2025.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, Martes,Mayo 13, "Nag desisyon na po ang Oriental Mindoreños, hindi man po pumabor sa inyong lingkod ang naging resulta pero masaya po ako na ibinigay po natin ang lahat ng ating makakaya para ipakita ang malinis nating intensyon na malingkod sa ating lalawigan."

Aniya, iginagalang niya ang hatol ng taumbayan at babalik na lamang bilang isang pribadong mamamayan. Nagpaabot din siya ng pagbati sa kaniyang katunggaling si Boy Umali.

"Iginagalang po natin at mapagkumbabang tinatanggap po ang desisyon na ito ng mamamayan. Umasa po kayo na hindi po natatapos ang serbisyo ni Ejay Falcon bilang lingkod bayan. Babalik po tayo bilang pribadong mamamayan pero andun pa rin ang ating pagtulong para sa interes ng ating mamamayan."

Eleksyon

Mga nanalong senador, target maiproklama ng Comelec sa weekend

"Gusto ko rin pong ipaabot kay Congressman Boy PA Umali ang aking pagbati. Congratulations po! Nawa po ang pagkapanalo nyo’y magbigay ng mas maalab na inspirasyon para lalong tulungan hindi lamang po ang mga taong sumuporta sa inyo kundi ang buong mindoreños ng segunda distrito."

Mensahe ni Ejay sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya, "Sa lahat ng aking mga kaibigan, taga suporta, sa mga leaders at sa mga taong hindi natakot o nagdalawang isip na tumulong sa akin, kulang po ang salitang salamat. Di ko po kayo makakalimutan."

"Maraming salamat po sa inyong Tiwala, Suporta at Pagmamahal."

"Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi po dito natatapos ang paglipad ni Ejay Falcon. Tuloy po tayo sa ating mga parangap."

"Mahal na mahal ko po kayo," aniya pa.