May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Dahil walang kalaban: Martin Romualdez, wagi bilang kongresista sa Leyte

Dahil walang kalaban: Martin Romualdez, wagi bilang kongresista sa Leyte
courtesy: Office of the Speaker

Ipinroklama na bilang Leyte first district representative si House Speaker Martin Romualdez nitong Martes, Mayo 13. 

Bagama't walang kalaban, nakakuha si Romualdez ng kabuuang 175,645 boto, as of 4:18 p.m.. Ito na ang ikatlo at huling termino niya sa pagkakongresista. 

Matatandaang na-disqualify ang kalaban sana ni Romualdez na si Romilda Bacale dahil hindi raw ito rehistradong botante ng Tacloban. 

 BASAHIN: Makakalaban sana ni Romualdez bilang kongresista, ‘disqualified’ sa eleksyon – Comelec

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

Samantala, nagpasalamat si Romualdez sa mga kababayan niya sa unang distrito ng Leyte.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa mga kababayan ko sa Leyte First District, lalo na sa Tacloban City, sa panibagong pagkakataon na maglingkod," anang house speaker. 

“Ito pong pagkapanalo ay hindi tagumpay ko, kundi tagumpay ng buong distrito natin—ng bawat pamilyang Waray na patuloy na nagtitiwala sa ating pamumuno," dagdag pa niya.