May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya
Photo courtesy: Jamila Ruma (FB)

Maituturing daw na pinakabatang mayor sa buong bansa ang bagong proklamadong mayor ng Rizal, Cagayan na si Jamila Ruma, matapos makakuha ng 5,134 boto malayo sa mga nakalabang sina Ralph Mamauag na may 3,661 boto at Florence Littaua na may 170 boto.

Si Jamila ay pumalit sa amang si Mayor Atty. Joel Ruma na siyang orihinal na tumakbo sa posisyon subalit pinatay sa kalagitnaan ng kampanya noong Abril 23.

Ang ina namang si Brenda Ruma ang kaniyang vice mayor.

Sa kaniyang Facebook post, nagpasalamat si Ruma sa suportang natanggap niya mula sa mga botante at nangakong ipagpapatuloy niya ang legacy ng namayapang ama.

Eleksyon

Trillanes, talo kay Along; 'di raw kinaya pwersa ng pera ng kalaban

Tinawag niya ang tagumpay sa eleksyon bilang "bittersweet victory."

"We made it Daddy!" aniya.

"I will make sure to continue the legacy of my father, Mayor Atty. Joel A. Ruma. Hindi ko po pababayaan ang ating bayan ng Rizal. Patuloy po ang serbisyong SAPAT at TAPAT na sinimulan ng aking ama. ," aniya.

"Hawak ko ang pangako ng aking Ama na panatilihing masaya at ligtas ang ating bayan ng Rizal para sa ikauunlad ng bawat Rizaleño," dagdag pa.

Ayon sa mga ulat, si Jamila Ruma ay nagtapos ng Development Studies sa De La Salle University-Manila at kasalukuyang 21 taong gulang.

Batay naman sa eligibility ng requirements ng isang kandidato sa pagka-mayor, nakasaad na sinuman ay maaaring tumakbo sa gulang na 21, sa araw mismo ng eleksyon, rehistradong botante ng lungsod o munisipalidad, at residente nito at least isang taon o one year bago ang halalan. 

Pagdating naman sa substitution o withdrawal, nakasaad ang ganito, "Substitution of candidates is allowed under certain circumstances (e.g., a candidate dies, withdraws, or is disqualified), but it must comply strictly with COMELEC rules on timing and party affiliation."