Nagpaabot ng mensahe si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga nagwaging kandidato ngayong 2025 midterm elections.
Sa video statement ni Abalos nitong Martes, Mayo 13, nanawagan siyang pagsilbihan ng mga nanalo ang bansa nang tapat at buong puso.
“Mainit kong binabati ang lahat ng nagwagi sa halalan. Nawa ay pagsilbihan ninyo ang ating bansa nang tapat at buong puso,” saad ni Abalos.
Dagdag pa niya, “Sa aking mga kababayan, tapos na po ang eleksyon. Nawa’y magkaisa na po tayo. Dahil ‘yan po ang susi sa ikakaunlad ng ating bansa.”
Bigo si Abalos na makalusot sa Magic 12 ng Senado. Ayon sa partial at unpartial result ng Commission on Elections (Comelec), nakakuha lang siya ng 11,349,007 at naiposisyon ang sarili sa ika-16 na puwesto.
Ngunit sa kabila nito, pinasalamatan pa rin ng dating DILG Secretary ang lahat ng sumuporta at nagtiwala sa kaniyang kandidatura.
“Ako po si Benhur Abalos, muling nagpapasalamat sa inyong lahat,” aniya.