Nagpasalamat si Alyansa para sa Bagong Pilipinas campaign manager Toby Tiangco sa mga botanteng nakiisa sa 2025 midterm elections nitong Lunes, Mayo 12.
Eksaktong alas-7:00 ng gabi ngayong Lunes nang isara ang botohan sa buong bansa.
"Voting has closed. On behalf of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas slate, we thank the millions of Filipinos who made their voices heard today," saad ni Tiangco sa isang pahayag.
Dagdag pa niya, nagsagawa sila ng malinis ng kampanya base sa malinaw na plataporma at solid track record ng kanilang kandidato.
"We ran a clean campaign based on clear platforms, solid track records, and firm positions on real issue. No gimmicks. No shortcuts.
"Voters shows up with clarity and conviction. That alone is a win for democracy," saad pa ni Tiangco.
"Our job now is to protect the vote. Our teams are fully mobilized to ensure a clean and credible count."
Giit pa niya, "We urge all sides to respect the process, reject misinformation, and let the people's voice prevail."