May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Senior citizen, patay matapos atakihin sa puso sa loob ng voting precinct

Senior citizen, patay matapos atakihin sa puso sa loob ng voting precinct
Photo courtesy: Pexels

Patay ang isang 65 taong gulang na lolo matapos umano siyang atakihin sa puso habang nasa loob ng voting precinct sa Oas South Central School, Albay.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente banang 6:05 ng umaga nitong Lunes, Mayo 12, 2025 kung saan nagawa pa raw makaboto ng biktima nang bigla siyang mahilo at mahimatay sa loob ng classroom. Napag-alaman ding limang taon na raw nakakaranas ng pagka-stroke ang biktima na posible umanong na-trigger bunsod ng init at pagpila sa pagboto.

Sinubukan pang dalhin sa Ligao City Hospital ang senior citizen ngunit binawian na siya ng buhay. Samantala, nagpaalala naman ang mga awtoridad na iwasan umanong makipagsiksikan sa mga polling precinct.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista