Nagkaproblema umano si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa pagpasok ng kaniyang balota sa automated counting machine (ACM) nitong Lunes, Mayo 12.
Dumating si Marcos sa Mariano Marcos Memorial Elementary School, Batac City, Ilocos Norte bandang 7:06 ng umaga kasama ang kaniyang ina na si dating first lady Imelda Marcos at kapatid niyang si Irene Marcos-Araneta upang bumoto sa 2025 midterm elections.
Pagdating sa polling precinct agad na bumoto ang presidente. Gayunman nang ipasok niya ang kaniyang balota sa ACM, nagkaroon ito ng technical glitch.
Agad na lumapit ang Comelec personnel para mag-assist. Binuksan nito ang machine at kinuha ang balota ng pangulo.
Sa pangalawang pagkakataon, matagumpay nang naipasok ni Marcos ang kaniyang balota sa ACM.