May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

PBBM matapos bumoto: ‘Sama-sama nating pangalagaan ang demokrasya!’

PBBM matapos bumoto: ‘Sama-sama nating pangalagaan ang demokrasya!’
Photo Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipinong bumoto at pangalagaan daw ang demokrasya ng bansa.

Nitong Lunes ng umaga, Mayo 12, nang bumoto si Marcos sa Batac, Ilocos Norte kasama ang kaniyang pamilya, tulad ni dating First Lady Imelda Marcos.

MAKI-BALITA: PBBM, nagkaproblema sa pagpasok ng balota sa ACM

“Nakaboto na kami ng aking pamilya ngayong araw dito sa Ilocos,” ani Marcos sa isang Facebook post.

Eleksyon

35 lugar sa PH, nakaranas ng 'dangerous heat index' ngayong eleksyon

Ayon sa pangulo, tungkulin ng mga Pilipinong bumoto at siguruhing magiging payapa ang halalan.

“Bilang mga mamamayan, tungkulin nating makilahok sa halalan at tiyaking ito’y magiging mapayapa, maayos at tapat,” ani Marcos.

“Sama-sama nating pangalagaan ang demokrasya,” saad pa niya.