May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Marbil, nanindigang ‘mapayapa’ ang halalan 2025: ‘I want more arrests!’

Marbil, nanindigang ‘mapayapa’ ang halalan 2025: ‘I want more arrests!’
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Iginiit ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil na naging mapayapa raw ang pagdaraos ng National and Local Elections (NLE) 2025 nitong Lunes, Mayo 12.

Sa panayam ng media kay Marbil, nanindigan siyang wala raw maaaring manggulo sa eleksyon.

“Very peaceful. Tuluy-tuloy yung pulis natin, tuluy-tuloy yung huli. Sabi ko nga, lahat ng manggugulo tinatanggal namin and we want arrests. I want more arrests. Walang pwedeng gumulo sa eleksyon,” ani Marbil.

Dagdag pa niya, asahan na raw mas maraming hanay pa ng pulisya ang kanilang i-dedeploy mula 6:00 ng gabi hanggang 12:00 ng madaling araw ng Mayo 13.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

“By 6 p.m., mas marami kaming pwersa. We want a full force by 6 p.m. up to 12 o’clock [midnight], yung sa counting,” aniya.

Dagdag pa niya, “By 7 o’clock, magsisimula ang bilangan. Yun talaga ang kailangan namin na mas maraming tao. Talagang tutok ang mga pulis natin.” 

Hindi rin daw niya nakikita na maidedeklarang “failure” ang eleksyon ngayong araw dahil sa mas pinalakas nilang yunit kasama ang Armed Forces of the Philippines.

“Wala. Makikita mong tuluy-tuloy at very strong ang enforcement ng armed forces, coast guard and PNP with the help of Comelec,” anang PNP Chief.