May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Makabayan, nanawagan para sa mano-manong pagbibilang ng boto

Makabayan, nanawagan para sa mano-manong pagbibilang ng boto
Photo Courtesy: Koalisyong Makabayan (FB), via MB

Naglabas ng pahayag ang Makabayan bloc upang manawagan ng manual counting sa umano’y kuwestyonableng integridad ng Automated Counting Machines (ACM).

Sa isang Facebook post ng Makabayan nitong Lunes, Mayo 12, sinabi nilang lumilikha umano ng pagdududa ang pagbabago ng software version ng mga ACM.

“Mula sa version 3.4 na dumaan sa local source code review at indepedent certification tungo sa version 3.5 na sinasabi ng Comelec [Commission on Elections] bilang “updated” version, at ang pagkakaiba ng hash code ng dalawang versions, “ saad ng Makabayan.

Dagdag pa nila, “Ang version na dumaan sa source code review at independent certification ang dapat ginagamit sa araw ng halalan. Ang pagbabago ng version (update ayon sa Comelec) at posibleng pagbabago sa hash code ay nagsasabing maaring nabago din ang software at hindi na natin ito nalaman o nakilatis.”

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

Ayon sa Makabayan, hindi pa umano naipapaliwanag ng Comelec kung tugma ba ang hash code ng updated version 3.5 tugma sa hash code ng version 3.4 na dumaan sa local source code review at international certification. 

Kaya isa sa mga panawagan nila, magsagawa ng mano-manong pagbibilang ng boto. At kung hindi tumugma ang machine count sa manual count,  dapat daw na mas maging matimbang ang huli.

“Ang bawat boto ay mahalaga at dapat bilangin nang tama. Manatiling mapagmatyag at handang kumilos,” anila.

Matatandaang nauna nang sagutin ng Comelec ang paratang ni Atty. Harold Respicio na hindi umano audited ang source code na nasa ACM dahil hindi ito tugma sa hash code na nasa audit report na nakapost sa Comelec website.

MAKI-BALITA: Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM