Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na isang bata ang tinamaan ng bala matapos umanong may ilegal na nagpaputok ng baril sa Davao Region.
Sa ambush interview ng media kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ipinahahanap na raw nila ang salarin sa likod ng pagpapaputok ng baril na lumabag din sa implementasyon ng gun ban ngayong election period.
“Mayroong nagpaputok ng baril na kung sino man yung nagpaputok ng baril, of course ‘yang mismong bala na ‘yan ay bumagsak na lang doon sa bata,” ani Garcia.
Nilinaw naman ni Garcia na kasalukuyang nasa ospital ang biktima na nakaligtas sa naturang insidente.
“Opo, buhay naman po yung bata at nasa ospital,” aniya.
“Ipapahanap agad natin yung nag-discharge ng kaniyang baril. Alam n’yo naman parang bagong taon din ‘yan. Kahit anong klaseng pagpipigil mo, mayroon at mayroon talaga at ‘di natin alam bakit kinakailangan pang magpaputok ng baril,” anang Comelec chairman.