Ibinahagi ni award-winning actor ang kalagayan ng isang classroom na nagsisilbing waiting area para sa mga botante ngayong 2025 midterm elections.
Sa latest Facebook post ni John nitong Lunes, Mayo 12, makikita ang larawan ng isang bukbuking mesa sa naturang classroom.
Aniya, “Nandito ako sa loob ng isang classroom na ginawang WAITING ROOM sa MAHABANG PILA para bumoto at ganito ang lamesa ng mga estudiyante sa loob ng classroom. Asan ang budget sa EDUKASYON?
“Tapos boboto tayo ng mga corrupt eh nakaharap mismo satin ang EBIDENSIYA NG MGA MALI NATING PAGPILI? Ano na mga kababayan? AYUSIN NAMAN NATIN ANG PAGBOTO KAHIT LAST MINUTE,” dugtong pa ng aktor.
Tila likas na talaga kay John ang pagiging kritiko sa ilang mga isyung pampolitika.
Matatandaang sa isang panayam ay sinabi niyang mas gusto raw niyang punahin ang gobyerno kaysa lumahok sa politika.
MAKI-BALITA: John Arcilla, walang interes sa politika: 'Mas kritiko ako!'