May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

FPRRD, hindi pinayagang makaboto sa The Hague—VP Sara

FPRRD, hindi pinayagang makaboto sa The Hague—VP Sara
Photo courtesy: via Manila Bulletin and ICC/YT

“Hindi n'ya na-exercise yung right to vote n'ya this time.”

Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi umano makakaboto sa The Hague, Netherlands ngayong eleksyon ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng media sa Pangalawang Pangulo nitong Lunes, Mayo 12, 2025, ipinaliwanag niya kung bakit hindi raw maaaring bumoto ang dating Pangulo.

“Hindi siya pwedeng bumoto kasi hindi naman siya naka-register sa absentee voting. Ang pagkakaintindi ko, sinubukan ng lawyers n'ya na magpaalam sa Comelec na kung pwede bumoto si dating Pangulong Duterte outside of the absentee voting law. Kasi yun lang yung paraan na puwede siyang bumoto but hindi siya naka-register doon, so, ang pagkakaintindi ko, wala siya,” ani VP Sara. 

Eleksyon

Leody inalaska si 'Tatay Digong:' 'Di na kelangan hanapin presinto niya'

Giit pa ni VP Sara, hindi raw naranasan ng kaniyang ama na matalima ang karapatan niyang makalahok sa pagboto ngayong National and Local Elections (NLE) 2025.

“Hindi n'ya na-exercise yung right to vote n'ya this time. And I'm sure he is sad about that,” anang Pangalawang Pangulo.

Matatandaang kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Duterte magmula nang siya ay maaaresto noong Marso 11 kaugnay ng kaniya umanong madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD