May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Di pagtutugma ng source code na nasa ACM, fake news! —Comelec

'Di pagtutugma ng source code na nasa ACM, fake news! —Comelec
Photo Courtesy: Screenshot from MB, Comelec (FB)

Muling iginiit ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Atty. George Garcia na peke umano ang balita hinggil sa hindi pagtutugma ng source code na nasa automated counting machine (ACM).

MAKI-BALITA: Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

Sa isinagawang press conference nitong Lunes ng gabi, Mayo 12, sinabi ni Garcia na talagang hindi raw magtutugma ang hash code ng trusted build sa hash code ng machine dahil hindi pa ito ang pinal na resulta.

“Kasi po pagkatapos ng trusted build, mayro’n pong source code review. ‘Yon pong nasa source code review na na-review ng lahat ng IT experts, ng PPCRV [Parish Pastoral Council for Responsible Voting], NAMFREL [National Citizens' Movement for Free Elections], ‘yon po ‘yong tumutugma sa makina na mismong hash codes,” paliwanag ni Garcia.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

Dagdag pa niya, “So medyo mali po—with all due respect—na ang ikumpara ay ‘yong bago mag-source code. ‘Di ba 'yon nga po 'yong source code niya, ang pinakaimportante? Dahil 'yon ang ginagawang public, 'yon ang pinapa-review sa experts, 'yon ang tinitingnan ng mga experts, at 'yon ang may final hash code, at 'yon din po ang nasa Central Bank of the Philippines.”

Ayon kay Garcia, ang ginawa raw kasi ng nagpakalat ng maling balita ay ikinumpara nito ang hash code ng trusted build sa hash code ng machine.

“Again, mali po ‘yon. Dapat hash code no’ng mismong code na source code review,” aniya.

Matatandaang nanawagan ang Makabayan bloc na bilangin ang boto ng mano-mano dahil umano’y kuwestyonableng integridad ng ACM.

MAKI-BALITA: Makabayan, nanawagan para sa mano-manong pagbibilang ng boto