May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec, idineklarang walang 'failure of elections' sa kahit saang lugar sa bansa

Comelec, idineklarang walang 'failure of elections' sa kahit saang lugar sa bansa
Photo courtesy: Screenshot from Comelec (FB)

Sinabi mismo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na walang "failure of elections" sa alinmang panig ng bansa, na nangangahulugang matagumpay na naisagawa ang halalan ngayong Lunes, Mayo 12.

Sa panayam sa kaniya ng media, pinasalamatan ni Garcia ang lahat ng Comelec personnel dahil sa pagdaraos ng 2025 National and Local Elections (NLE).

"Walang failure of elections sa kahit na anong parte ng ating bansa, sa kahit anong presinto, sa kahit anong barangay. At all cost, itutuloy ang eleksyon, at all cost dapat makaboto ang mga kababayan natin sapagkat naghirap silang pumunta sa bawat presinto," aniya.

Para naman daw sa mga lugar na may mga ulat na tila pipigilan ang botohan, agad daw niyang inalerto ang mga awtoridad upang mapigilan ito, partikular ang mga militar at pulis.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

"At least wala namang nagkakaputukan, wala namang violence talaga. Pero 'yong pagpigil, more on intimidation. Hindi dapat nagkakaroon ng intimidation sa kahit anong parte ng ating bansa," paliwanag pa ni Garcia.