May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Balota ni HS Romualdez ni-reject ng ACM; naka-3 subok bago sumakses

Balota ni HS Romualdez ni-reject ng ACM; naka-3 subok bago sumakses
Photo courtesy: Philippine News Agency (PNA)

Maging si House Speaker Martin Romualdez ay nakaranas ng glitch sa Automated Counting Machine (ACM) nang bumoto siya sa Tacloban City, Lunes, Mayo 12.

Sa ulat ng GMA News, bumoto bandang 1:00 ng hapon si Romualdez sa V&G de la Cruz Memorial School sa Tacloban City.

Ayon pa sa ulat, matapos bumoto, ni-reject umano ang unang pagtatangkang pagpasok ng ballot sa ACM, hanggang sa umabot ng tatlong attempt baka matagumpay na naipasok at tinanggap sa nabanggit na machine, sa pag-assist na rin ng isang technical staff.

Si Romualdez ay tumatakbong kongresista sa 1st District ng Leyte, at walang kalaban.

Eleksyon

Comelec, idineklarang walang 'failure of elections' sa kahit saang lugar sa bansa

Samantala, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, may kinalaman daw ang mainit na panahon sa pagkakaroon ng aberya ng ilang ACMs sa mga presinto.