Na-exercise mo na ba ang karapatan mong bumoto ngayong eleksyon?
Kung gayon, siguradong naitatak na rin sa index finger mo ang kulay asul na ink, na tinatawag ding electoral ink.
Matapos ang maginhawang pakiramdam na naisakatapuran mo na ngayon ang iyong civic responsibility bilang isang Pilipino, isa namang katanungan ang susunod: “Paano mapapabilis na maaalis ang indellible ink na ito?”
Don’t worry, we gotchu!
Narito ang ilang life hacks at mga maaaring gamitin para mas mabilis na matanggal ang indelible ink pagkatapos ng botohan, ayon sa mga ulat:
Nail polish bleaches
Nagtataglay raw ang nail polish bleach ng acetone na epektibo para sa pagtanggal ng indelible ink. Upang gamitin, lagyan ang bulak ng nail polish bleach at dahan-dahang ikuskos sa daliring may ink. Huwag namang masyadong sobrahan para hindi mag-dry ang iyong balat.
Anti-bacterial tissue
Punasan nang marahan ang daliri na may indelible ink, hanggang sa mawala ang tinta rito. Kapag naalis na ang indelible ink, banlawan ang kamay at lagyan ng moisturizer para mapanatili ang iyong soft skin.
Harsh dish-washing liquids
Mayroong matapang na cleaning agents ang harsh dish-washing liquids, kaya’t epektibo raw na maalis ang indelible ink sa daliri sa pamamagitan ng pag-apply rito. Kapag tuluyan nang naalis ang ink, hugasan ang kamay nang mabuti.
Hair removal creams
Maganda rin daw gamitin ang hair removal creams para mabura ang indelible ink sa daliri. I-apply lamang ang cream nang ilang minuto at saka ito hugasan.
Micellar water
Maaari ring gamitin ang micellar water sa pag-alis ng ink sa daliri. Kailangan lamang na punasan ang daliring may ink gamit ang micellar water hanggang sa matanggal na ito.
Clorox All Purpose Cleaner
I-spray sa daliri ang chlorox at saka punasan ito gamit ang basang tela hanggang sa mawala na ang marka ng indelible ink. Pagkatapos, hugasan ang kamay upang malinis.
Ngunit, mahalagang maintindihang nilalagyan ng indelible ink ang daliri ng isang indibidwal bilang tanda na nakaboto na siya at upang hindi na makaulit na bumoto.
Kaya’t paalala: Alisin lamang ang indelible ink para sa sariling kaginhawaan, at hindi para makapandaya sa halalan.