Inisa-isa ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng election-related violence na naitala nila mula sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong araw ng eleksyon, Mayo 12, 2025.
Ayon sa PNP, dalawa ang patay habang walo naman ang sugatan sa pamamaril na naganap sa Silay City, Negros Occidental.
KAUGNAY NA BALITA: 2 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa Silay City ngayong eleksyon; isa sa mga suspek, barangay chairman
Sa Lanao del Sur, isang tumatakbong konsehal ng bayan naman at kapatid nito ang nasawi matapos itumba ng mga hindi pa nakikilalang gunmen sa lugar.
Dalawa naman ang naitalang sugatan matapos umano ang panghaharas ng ilang mga tagasuporta ng rival clans sa Dinas, Zamboanga del Sur.
Samantala, nakapagtala rin sila ng insidente ng nakawan sa Northern Mindanao at ilang mga suspected flying voters sa rehiyon naman ng BANGSAMORO.
Sa kabila nito, nanindigan si PNP Chief Rommel Marbil na mapayapa raw na naidaos ng bansa ang National and Local Elections (NLE).
KAUGNAY NA BALITA: Marbil, nanindigang ‘mapayapa’ ang halalan 2025: ‘I want more arrests!’