May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

35 lugar sa PH, nakaranas ng 'dangerous heat index' ngayong eleksyon

35 lugar sa PH, nakaranas ng 'dangerous heat index' ngayong eleksyon
Courtesy: Unsplash

Umabot sa “danger” level ang heat index sa 35 lugar sa bansa ngayong araw ng eleksyon, Lunes, Mayo 12, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Martes, Mayo 6, inaasahang aabot sa danger level ang heat index sa mga sumusunod na lugar bukas:

47°C - Dagupan City, Pangasinan

47°C - Daet, Camarines Norte

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

46°C - Sangley Point, Cavite City, Cavite

45°C - Infanta, Quezon

45°C - Legazpi City, Albay

45°C - Masbate City, Masbate

45°C - CBSUA Pili, Camarines Sur

44°C - NAIA Pasay City

44°C - Casiguran, Aurora

44°C - CLSU Science City of Muñoz, Nueva Ecija

44°C - Roxas City, Capiz

44°C - Catarman, Northen Samar

43°C - Laoag City, Ilocos Norte 

43°C - ISU Echague, Isabela

43°C - Baler, Aurora

43°C - San Ildefonso, Bulacan

43°C - TAU Camiling, Tarlac

43°C - Ambulong, Tanauan, Batangas

43°C - Alabat, Quezon

43°C - Coron, Palawan

43°C - Mambusao, Capiz

43°C - Iloilo City Iloilo

43°C - Dumangas, Iloilo

43°C - Guian, Eastern Samar

43°C - Maasin, Southern Leyte

42°C - Science Garden Quezon City

42°C - Bacnotan, La Union

42°C - Tuguegarao City, Cagayan

42°C - Iba, Zambales

42°C - Cubic Pt. Subic Bay, Olongapo City

42°C - Calapan, Oriental Mindoro

42°C - San Jose, Occidental Mindoro

42°C - Tacloban City, Leyte

42°C - VSU Baybay, Leyte

42°C - General Santos City, Southern Cotabato

Paliwanag ng weather bureau, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?

Samantala, dalawang senior citizen ang naiulat na nasawi ngayong eleksyon, isang 68-anyos na nawalan ng malay sa loob ng voting precinct sa Maria Elementary School sa President Roxas, Capiz at isang 65-anyos na inatake sa puso habang nasa loob ng voting precinct sa Oas South Central School, Albay.

MAKI-BALITA: Senior citizen, patay matapos atakihin sa puso sa loob ng voting precinct

MAKI-BALITA: Isa pang senior citizen, nasawi sa pagboto