May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec  sa kanilang precinct finder
Photo courtesy: Comelec and Pexels

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na nakapagtala sila ng tinatayang 1.2 milyong hacking attempts upang mag-down umano ang website ng kanilang precinct finder.

Sa panayam ng media kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, ibinahagi niya ang mga datos na nakalap daw nila sa buong araw ng halalan nitong Lunes, Mayo 12, 2025.

“Mayroon pong 43.7 million na browse and visit sa webpage na ‘yan. Out of the 43.7 million, 40.11 million po yung legitimate na nag-search ng kanilang presinto,” ani Laudiangco.

Dagdag pa niya, “So yung the rest po ang suspect namin ay ‘DEDOS’—Deliberberated Denial of service. Talagang pina-flood. Kina-crowd po yung webpage natin para bumagsak at hindi magamit ng ating mga kababayan.”

Eleksyon

Giit ng Comelec sa mga naging aberya sa pagboto: 'Issues 'yan noon pa!'

Matatandaang noong Abril 23 nang buksan ng komisyon sa publiko ang nasabing precinct finder na naglalayong matulungan ang mga botante na mahanap ang kaniyang voting precinct sa mas madaling paraan.