May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Probinsya ng Cavite, nagpapatupad ng 'curfew' hanggang sa araw ng eleksyon

Probinsya ng Cavite, nagpapatupad ng 'curfew' hanggang sa araw ng eleksyon
Photo courtesy: Contributed photo

Ikinasa ng provincial government ng Cavite ang pagpapatupad ng tatlong araw na curfew sa buong lalawigan mula noong Sabado, Mayo 10, 2025 hanggang sa araw ng eleksyon sa Lunes, Mayo 12. 

Batay sa Provincial Ordinance No. 481, magsisimula ang curfew pagpatak ng 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

"During this time, all individuals, regardless of age, shall remain indoors and shall not loiter or assemble in public places," saad ng naturang ordinansa.

Ayon pa sa provincial government  ng lalawigan, paraan umano nila ito upang maging mapayapa ang halalan sa kanilang lugar.

Eleksyon

Voting precinct sa Maguindanao del Sur, binulabog ng rambol ng kalalakihan

Samantala, hindi naman kasama sa curfew ang lahat ng election officials, law enforcements, mga indibidwal na may trabaho sa gabi at mga nangangailangan ng emergency.

Tinatayang nasa ₱2,000 hanggang ₱5,000 ang maaaring multa sa mga lalabag sa curfew na aabot sa anim na buwan.

Ang probinsya ng Cavite ang nangunguna sa Pilipinas na may pinakamaraming bilang ng botante na may 2,447,362 registered voters.