Umapela ng tulong-pinansiyal ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Cebu Chapter para sa reporter na Emmariel Ares na nasagasaan ng motorsiklo.
Sa Facebook post ng NUJP-Cebu nitong Linggo, Mayo 11, kinumpirma nila ang pagpanaw ni Emmeriel, na ang pamilya ngayon ay inaasikaso ang naging gastusin sa ospital.
"Emma has rejoined the creator on Sunday, May 11, the family confirmed. They are now in need of support in tackling the expenses from the hospital," saad ng NUJP-Cebu.
Dagdag pa nila, “We are knocking on your kind hearts to extend any monetary support you can provide to help the family during this very difficult time.”
Naghayag naman ng pagpupugay kay Emmariel ang digital news portal na pinagtatrabahuhan nito.
Anila, si Emmariel ay isang bata at passionate na mamamahayag na ang dedikasyon sa trabahaho ay nagmarka.
“The newsroom won’t be the same without you, Em—but you’ll always be part of it,” dugtong pa nila.
