Sinita ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang isang pubmat na nag-aanunsiyo ng ilang detalye tungkol sa darating na eleksyon sa Lunes, Mayo 12.
Sa latest post ng NHCP nitong Linggo, Mayo 11, sinabi nilang labag umano sa batas ang paglalapat ng watawat ng Pilipinas sa background ng nasabing pubmat.
“Ang larawan na ito ay lumalabag sa Batas Republika Blg. 8491 o ang "Flag and Heraldic Code of the Philippines,” saad ng NHCP.
Dagdag pa ng komisyon, “Ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng pagka-Pilipino at ng ating bansa, kaya naman bigyan natin ito ng mataas na respeto.”
Matatandaang pinuna na rin kamakailan ng NHCP ang isang larawan kung saan tampok ang watawat ng bansa na nilapatan ng imahe ng agila.
MAKI-BALITA: NHCP, sinita watawat ng Pilipinas na nilagyan ng agila