May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Nadine Lustre, nakiusap sa mga botante: 'Pag-isipan po nating mabuti'

Nadine Lustre, nakiusap sa mga botante: 'Pag-isipan po nating mabuti'
Photo Courtesy; Nadine Lustre (IG)

Nakiusap ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa mga kapuwa niya botante dalawang araw bago ang 2025 midterm elections.

Sa latest Instagram post ni Nadine noong Sabado, Mayo 10,  sinabi niyang huwag sanang masamain ang pakiusap niyang pag-isipang mabuti opisyal na ihahalal.

Aniya, “Ang pakiusap ko at sana 'wag masamain—pag-isipan nating mabuti ang iboboto natin. Huwag tayong papadala sa ganda ng salita, ningning ng campaign ads at pagpapakitang tao ng mga kandidato natin.”

“Nalulungkot din isipin na patuloy na sinasamantala ang kahirapan ng iba. Hindi dapat nabibili ang boto —  pero sa bawat halagang iniaabot, may kinabukasang isinusuko,” dugtong pa ni Nadine.

Eleksyon

John Arcilla, naispatan bukbuking mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?'

Ayon kay Nadine, lagi umano siyang nananalangin para sa mga kapuwa niya Pilipino.

“Mahal ko ang Pilipinas, at alam kong karapat-dapat tayong lahat sa isang mas patas at maayos na sistema,” saad niya.

Ngunit may mga pagkakataon din daw na hindi niya maiwasang isiping kaya nasasadlak ang bayan sa ganitong sitwasyong ay dahil paulit-ulit din nitong pinipili ang parehong landas kahit may ibang daan.

Sa kabila nito, nangangarap pa rin si Nadine na darating ang araw na hindi lang ilang porsyento ang magiging maayos ang buhay.