May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Fake news peddlers, pinakakasuhan ng Makabayan sa Comelec

Fake news peddlers, pinakakasuhan ng Makabayan sa Comelec
Photo Courtesy: Comelec, Makabayan bloc (FB)

Kinalampag ng Makabayan bloc ang Commission on Elections (Comelec) upang masampahan ng kasong kriminal ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng balita.

Sa latest Facebook post ng koalisyon nitong Linggo, Mayo 11, sinabi ni Makabayan campaign manager Renato Reyes, Jr. na dapat umanong imbestigahan ng Comelec ang nasabing insidente.

“The Comelec should investigate and file the necessary charges against those behind the Facebook posts and fabricated documents and news articles,” saad ni Reyes, Jr.

Dagdag pa niya, “Comelec should be decisive and not allow this mockery of election laws and the Comelec itself to go unpunished.”

Eleksyon

John Arcilla, naispatan bukbuking mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?'

Bukod dito, nanawagan din si Reyes, Jr. na maging mapagmatyag laban sa disimpormasyong kumakalat.

“Do not share the fake posts. Report them to the Comelec and the concerned media and social media platforms. Deny the fake news peddlers any traction or exposure,” paalala niya.

Matatandaang lumutang kamakailan ang isang press statement na nagsasabing diskwalipikado na umano ang Bayan Muna Party-List sa 2025 midterm elections.

Ngunit pinabulaanan na ito ng Comelec at sinabing peke umano ang kumakalat na press statement na ang layout at format ay ginaya mula sa kanila upang magmukhang totoo.