May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec, pinabulaanan ang diskwalipikasyon ng Bayan Muna

Comelec, pinabulaanan ang diskwalipikasyon ng Bayan Muna
Photo Courtesy: Comelec, Bayan Muna (FB)

Naglabas ng pahayag ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa press statement na nagsasabing diskwalipikado na umano ang Bayan Muna Party-List sa 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post ng Comelec noong Sabado, Mayo 10, sinabi nilang peke umano ang kumakalat na press statement na ang layout at format ay ginawa mula sa kanila upang magmukhang totoo.

“Walang nilabas na Resolution ang Commission En Banc na nagdidiskwalipika sa bayam Muna Party-List

Ngayong halalan at sila ay opisyal pa rin na kabilang sa listahan ng mga party-list groups na maaaring iboto sa Lunes (May 12, 2025),” saad ng Comelec.

Eleksyon

Kontra Daya, iba pang grupo nagdaos ng kilos-protesta para kalampagin Comelec

Dagdag pa nila, “Ang ganitong istilo at paggaya ng dokumento na animo’y galing sa isang ahensya ng gobyerno ay direkta at tahasang paglabas sa karapatan ng bawat Pilipino sa tama at wastong impormasyon lalo na ngayong panahon ng eleksyon.” 

Sa huli, nagpaalala ang komisyon na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon ay isang uri ng election offense sa ilalim ng Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code.