May 11, 2025

Home BALITA Eleksyon

Tito Sotto, bet umukit sa kasaysayan bilang unang senador na naihalal sa ika-5 termino

Tito Sotto, bet umukit sa kasaysayan bilang unang senador na naihalal sa ika-5 termino
Photo Courtesy:

Humirit si dating Senate President Tito Sotto ng isa pang pagkakataon para maihalal siyang senador sa ikalima niyang termino ngayong 2025 midterm elections.

Sa ikinasang campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Shaw Boulevard, Mandaluyong noong Biyernes, Mayo 9, sinabi ni Sotto na sa kasaysayan ng Pilipinas, tatlong senador pa lang umano ang naihahalal sa ikaapat na termino.

Aniya, “Sa history po ng Pilipinas, tatlong senador lang ang nahalal na ng apat na beses. Si Senator Lorenzo Tañada, si Senator Frank Drilon, at si Senator Tito Sotto.” 

“Ako po ay humaharap sa inyo, tulungan n’yo ako ngayon sapagkat ito ay history ulit. ‘Pag ako po nahalal, ang inyong lingkod na lang ang only senator na lang sa Pilipinas na nahalal ng limang beses,” dugtong pa ni Sotto.

Eleksyon

Sen. Bato, iginiit na dapat iboto ang Duter10 ng mga gusto ng Senadong ‘di hawak sa leeg’

Matatandaang nagsilbi si Sotto bilang Senate Presidente mula 2018 hanggang 2022. Nagsimula ang karera niya sa politika nang mahalal siyang vice mayor sa Quezon City noong 1988.

Tumakbo si Sotto bilang bise-presidente noong 2022 presidential elections kasama ang running mate na si Panfilo Lacson ngunit bigo silang nahalal sa posisyon.

MAKI-BALITA: Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'