May 10, 2025

Home BALITA National

PPBM, sinigurong magbabalik bentahan ng ₱20 na bigas pagkatapos ng eleksyon

PPBM, sinigurong magbabalik bentahan ng ₱20 na bigas pagkatapos ng eleksyon
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB, DA/website

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na nakatakda pa rin umanong bumalik ang bentahan ng ₱20 pagkatapos ng eleksyon.

Sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Biyernes, Mayo 9, 2025, iginiit ni PBBM na nagpaubaya umano muna sila sa Commission on Elections (Comelec) bago muling ituloy ang kanilang programa.

"Ngunit pagkatapos ng eleksyon, dahil ipinagbawal po kami na ilabas po itong programa na ito dahil po baka gamitin sa kampanya. Kaya't ang ginawa namin ay pinaubaya muna namin sa Comelec yung desisyon," anang Pangulo. 

Ayon pa sa Pangulo, sa Martes, Mayo 13 nila muling ilulunsad ang kanilang programa na naglalayong unahing pagbilhan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, persons with disabilities at solo parents.

National

CBCP, nanawagan sa mga mananampalatayang ipagdasal si Pope Leo XIV

"At sa Martes, pagkatapos ng halalan, sisimulan po natin. Magbibigay tayo ng bigas na ₱20 kada kilo sa piling KADIWA sites… Sa tulong ng mga LGUs, uumpisahan po natin sa Visayas ito at ikakalat po natin sa buong Pilipinas," ani PBBM.

Matatandaang noong Mayo 1 ng mag-umpisa ang bentahan ng  ₱20 na bigas na nahinto matapos igiit ng Comelec na maiwasan umano na magamit ito sa pamumulitika sa kasagsagan ng eleksyon. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Wrong timing daw?’ Bentahan ng ₱20 na bigas, sinuspinde hanggang eleksyon