May 10, 2025

Home BALITA

Pinutakting pagbati ng Misamis Oriental governor kay Pope Leo XIV, inihingi ng tawad

Pinutakting pagbati ng Misamis Oriental governor kay Pope Leo XIV, inihingi ng tawad
Photo courtesy: Contributed photo

Humingi ng paumanhin sa publiko ang mga nasa likod ng Facebook page ng Misamis Oriental Provincial Information Office matapos umani ng samu't saring reaksiyon ang kanilang pagbati kay Pope Leo XIV.

Makikita sa congratulatory post ng naturang FB page ang pagbati umanong ipinaabot ni Misamis Oriental Governor Peter Unabia para sa bagong Santo Papa. Takaw-pansin sa post ang nakabalandra niyang imahe sa larawan na tila siya ang naging sentro. Wala namang nakalagay na larawan ng Santo Papa sa nabanggit na art card.

Matapos dagsain ng kritisismo sa social media, inamin nang nasabing page ang umano'y kamaliang isama raw ang larawan ng kanilang gobernador sa Facebook post nila sa pagbati sa bagong Santo Papa.

"We sincerely extend our apologies to the public for the oversight in our recent post regarding the greeting for his Holiness, the newly elected Pope," anang Misamis Oriental Provincial Information Office. 

Eleksyon

MILF, UBJP nag-endorso ng 12 senador

Dagdag pa nila, "The inclusion of the governor's image alongside this significant announcement was a misjudgement in layout and presentation."

Burado na ang nasabing congratulatory post ng naturang FB page at pinalitan na nila ito ng panibagong pagbati laman ang larawan ni Pope Leo XIV. 

Dagdag pa, naiintindihan daw nila ang naging sentimyento ng netizens sa kanilang naunang FB post.

"We understand the concerns raised and acknowledge that the focus should have remained solely on the message of congratulations and respect for the news pope," anila.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang mismong nadamay na gobernador tungkol dito.