May 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

National Artist Ricky Lee, suportado ACT Party-list: ‘Boses sila ng makabayang edukasyon’

National Artist Ricky Lee, suportado ACT Party-list: ‘Boses sila ng makabayang edukasyon’
National Artist Ricky Lee at ACT Teachers Party-list (file photo; FB)

Ipinaabot ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee ang kaniyang suporta sa ACT Teachers Party-list para sa 2025 midterm elections, at ibinahagi kung paano sila nagiging “boses ng makabayang edukasyon.

Sa isang video message nitong Sabado, Mayo 10, sinabi ni Lee na mahalagang muling maluklok sa Kongreso ang ACT Teachers party-list dahil isinusulong nila ang mga karapatan ng mga guro at mga mamamayan ng bansa.

“Ako po si Ricky Lee, manunulat, manggagawang pangkultura at guro. Sinusuportahan ko ang Number 21, ACT Teachers Partylist, dahil boses sila ng makabayang edukasyon at para sila sa kagalingan ng mga guro at mamamayan sa Kongreso,” saad ni Lee.

Nagsisilbing first nominee ng ACT Teachers party-list ang dating nitong kinatawan na si Antonio Tinio, second nominee si Helene Dimaukom, at third nominee si David Michael San Juan.

Eleksyon

MILF, UBJP nag-endorso ng 12 senador

Sa ilalim ng Republic Act 7491 o ang “Party-List System Act”, makakakuha ng isang puwesto sa House of Representatives ang grupong makatatangap ng hindi bababa sa 2% ng kabuuang boto para sa party-list system.

Maaari namang makakuha ng isa pang dagdag na puwesto sa Kamara ang party-list na makatatanggap ng mahigit sa 2% na kabuuang boto sa eleksyon, ngunit hindi raw maaaring magkaroon ng mas marami sa tatlong puwesto ang isang party-list sa Kongreso.

Kasalukuyan namang tumatakbo bilang senador ng bansa si ACT-Teachers incumbent Rep. France Castro.

Inaasahang isasagawa ang 2025 midterm elections sa Lunes, Mayo 12, 2025.