Nawalan na ng tiwala pang bumoto ang aktor na si John Estrada sa mga kandidatong matatalino at overqualified.
Sa latest Instagram post ni John kamakailan, sinabi niyang marami na raw siyang binotong matatalino at lubhang kwalipikado ngunit wala naman umanong nagbago sa buhay ng marami.
“Ako personally, ang dami ko ng binoto na matatalino at over qualified pero may pagbabago ba sa buhay natin lalo na sa buhay ng mahihirap? WALA, LUMALA PA ....” saad ni John.
Kaya ang ihahalal na raw niya ngayon ay tulad ng kaibigan niyang si Willie Revillame na may malasakit at maganda ang hangarin sa kapuwa, lalo na sa mahirap.
Aniya, “May GINUNGTUANG PUSO ANG ISANG WILLIE REVILLAME, NAPAKA SIMPLE AT WALANG BISYO AT NAPAKA BAIT NA TAO.”
Kumakandidato si Willie ngayong 2025 midterm elections bilang isang independent senator.
MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador
Ngunit nang minsan siyang tanungin kung anong batas ang ipapanukala, sinabi niyang saka na lang daw niya iisipin kapag siya ay nanalo na.
MAKI-BALITA: Willie, wala pa raw plano: 'Pag nanalo na 'ko, doon ko na lang iisipin!'