Pinasalamatan ni reelectionist Senator Imee Marcos ang Iglesia Ni Cristo (INC) dahil sa natanggap niyang endorso para sa 2025 midterm elections.
“Mapalad ako at taos-pusong nagpapasalamat na ako'y isa sa mga taglay ng Iglesia ni Cristo—pinagkatiwalaang maglingkod at magtanggol sa sambayanan,” ani Marcos sa isang pahayag nitong Sabado, Mayo 10.
Ayon pa sa senadora, pinalakas daw ng “matatag na paninindigan at di-matitinag na pagkakaisa” ng INC ang kaniyang loob na “tumindig laban sa kawalang-hustisya, katiwalian, at pang-aabuso.”
“Ang pagtitiwala at suporta ng kapatiran ay hindi ko sasayangin,” ani Marcos.
“Sa tulong ng Diyos, at sa gabay ng inyong pananampalatayang buhay, isang
buhat nating mararating ang tagumpay na para sa bayan,” saad pa niya.
Isa si Marcos sa walong kandidato sa pagkasenador na inendorso ng INC para sa eleksyon na nakatakdang isagawa sa Lunes, Mayo 12.
MAKI-BALITA: INC, nag-endorso na ng 8 kandidato sa pagkasenador