Pinabulaanan ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines (CBCP) ang umano'y kumakalat na pekeng pag-endorso raw ni Cardinal Pablo Virgilio David sa ilang mga kandidato para sa paparating na halalan sa Mayo 12, 2025.
Sa pahayag na inilabas ng CBCP nitong Sabado, Mayo 10, 2025, tahasan nilang nilinaw na wala raw ineendorsong kahit na sinong politiko ang Simbahang Katoliko.
"If names of candidates are mentioned in supposed Church endorsements, consider them false or misleading," anang CBCP.
Matatandaang kumalat kamakailan ang larawan ng isa umanong dokumentong pirmado ni Cardinal David na siya ring Presidente ng CBCP hinggil sa pag-endorso ng mga tumatakbong senador.
Samantala, sa hiwalay na pahayag, naglabas din ng pahayag ang Diocese of Kalookan na pinamumunuan din ni Cardinal David.
"The letter circulating online claiming to be from the CBCP or Cardinal David is not true," anang diocese.