May 10, 2025

Home BALITA

Cardinal Tagle, nagpasalamat sa mga nagtiwala sa kanila sa Conclave

Cardinal Tagle, nagpasalamat sa mga nagtiwala sa kanila sa Conclave
Photo courtesy: Contributed photo

Ipinaabot ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang kaniyang pasasalamat para sa mga nagtiwala sa kanila sa idinaos na papal conclave noong Mayo 7, 2025.

Kasama ni Tagle sa press conference noong Biyernes, Mayo 9, ang dalawa pang Pilipinong cardinal na sina Cardinal Jose Advincula at Cardinal Pablo David. 

Ipinaliwanag ni Tagle na bagama't sa paraan ng pagboto nakasalalay ang pagpili ng bagong Santo Papa, malayo raw ito sa eleksyon na nangyayari sa politika.

"When it comes to the ministry of the Church ang criteria, yung approach hindi tulad ng nangyayari sa mundo. 'Pag sinabing we rely on the Holy Spirit ang pagpili through prayer, disiplinado dapat aming lahat na hindi isipin o magpadala na 'kandidato ba ako?' Yung internal discipline ay kailangan kundi baka kainin ka rin. Walang kandidato para i-promote ang sarili mo, ang kababayan mo...," ani Tagle. 

Eleksyon

'It’s going to be better!' Vice Ganda, inendorso si Abby Binay

Kaugnay nito, binanggit din niya na hindi niya raw inakala na marami ang nakakakita sa kaniyang potensyal na maging Santo Papa. 

"Maraming salamat sa mga parang nagtiwala sa amin, ewan ko kung anong nakita n'yo sa amin na pwede kaming posibleng maging Papa. Ako 'pag tinitignan ko ang sarili ko parang hindi ko maisip yun eh. Kung may nakakaisip ng ganoon, maraming salamat," anang cardinal.

Matatandaang isa ang pangalan ni Cardinal Tagle sa mga naging matunog na posibleng maging susunod na Santo Papa matapos bakantihin ni Pope Francis ang kaniyang posisyon noong Abril 21, matapos siyang pumanaw sa edad na 88 taong gulang.

KAUGNAY NA BALITA:  Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88