May 10, 2025

Home BALITA Internasyonal

Cardinal Tagle binigyan ng candy si Cardinal Prevost bago maging Pope Leo XIV

Cardinal Tagle binigyan ng candy si Cardinal Prevost bago maging Pope Leo XIV
Photo courtesy: Vatican News (FB)/MB

May nakaaaliw na anekdota si Cardinal Luis Antonio Tagle na engkuwentro niya sa kasamahang si Cardinal Robert Prevost na kalaunan ay naging si Pope Leo XIV matapos ang papal conclave noong Biyernes, Mayo 9.

Aniya sa isinagawang media conference matapos ang conclave, nagkaroon siya ng kauna-unahang "charity" kay Pope Leo XIV matapos niyang alukin ng "candy."

Kuwento ni Tagle, alam daw niyang matagal ang proseso ng conclave kaya nagbaon siya ng mga candy. Unang sumalang sa conclave ang Pinoy cardinal noong 2013. Nagdala siya ng candy kung sakaling makaramdam ng pagkulo ng tiyan dahil sa gutom.

Sa naganap naman na conclave kamakailan, nakatabi ni Tagle si Prevost.

Internasyonal

Pagpili sa Santo Papa, ‘di puwedeng iasa sa ‘papabili’ —pari

"Ngayon din lagi akong may baong candy, meron na naman ako. Eh katabi ko nga si Cardinal Prevost, no'ng humihinga-hinga na siya, sabi ko, 'Gusto mo ng candy?' 'Sige, bigyan mo ko ng isa.' Sabi ko, ''Yan ha, 'yan ang unang act of charity ko sa bagong Santo Papa,’” kuwento ni Tagle.

MAKI-BALITA: Bago maging Santo Papa: Cardinal Robert Francis Prevost, nakatabi ni Cardinal Tagle sa Conclave

Matatandaang si Tagle ang isa sa mga pinakamatunog na pangalang inaasahang magiging susunod sanang Santo Papa matapos pumanaw si Pope Francis.