Bukidnon – Mayo 9, 2025 — Lalo pang lumawak ang suporta ni senatorial candidate Camille Villar sa Mindanao matapos siyang suportahan nina dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Bukidnon Governor Oneil Roque nitong Huwebes.
Nagpasalamat si Villar sa mga taga-Bukidnon sa kanilang mainit na pagtanggap, lalo na’t ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang halalan ngayong Lunes.
“Daghang salamat Senator Migz Zubiri, Governor Oneil Roque, at sa lahat ng lokal na opisyal ng Bukidnon sa inyong mainit na pag suporta. Ang inyong malasakit at pagtutulungan sa inyong lalawigan ay isang tunay na inspirasyon para sa akin,” pahayag ni Villar.
Ipinangako rin ni Villar na bibigyang-priyoridad niya ang lalawigan sa oras na siya ay mahalal, partikular sa mga tulong at proyektong makatutulong sa mga mamamayan ng Bukidnon.
Si Camille Villar ay may 15 taon ng karanasan sa lokal na pamahalaan at pribadong sektor. Kabilang sa kanyang mga pangunahing adbokasiya ang gender equality, women empowerment, mental health, financial literacy, pagsuporta sa maliliit na negosyo (SMMEs), pabahay, at edukasyon.