May 09, 2025

Home BALITA National

VP Sara binati si Pope Leo XIV: ‘Joyful moment of unity and hope’

VP Sara binati si Pope Leo XIV: ‘Joyful moment of unity and hope’
VP Sara Duterte at Pope Leo XIV (Photo: VP Sara/FB; via MB)

Inilarawan ni Vice President Sara Duterte na “joyful moment of unity and hope” ang naging pag-anunsyo kay Pope Leo XIV bilang ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Nitong Biyernes ng madaling araw, Mayo 9 (oras sa Pilipinas), nang ianunsyo ng Vatican na si United States (US) Cardinal Robert Francis Prevost ang ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika matapos mamataan ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel.

BASAHIN: Habemus Papam: Simbahang Katolika, may bago nang Santo Papa

BASAHIN: First American pope: Cardinal Robert Prevost, ang bagong lider ng Simbahang Katolika

National

CBCP, nanawagan sa mga mananampalatayang ipagdasal si Pope Leo XIV

“I join Filipino Catholics across the globe in extending our warmest congratulations to His Holiness Pope Leo XIV on his election as the 267th Successor of Saint Peter. This joyful moment unites over 80 million Filipinos—whether in our archipelago or spread across every continent—in deep gratitude to God for guiding the College of Cardinals in their discernment and prayer,” ani Duterte sa isang pahayag nitong Biyernes.

Ayon pa sa bise presidente, maituturing na makasaysayang araw ang paghalal kay Pope Leo ng mga cardinal at sinasalamin daw ito ng panibagong pag-asa.

“It inspires us to deepen our commitment to prayer, service, and the Gospel values that bind us as one family in Christ. We pray that Pope Leo XIV’s pontificate will awaken a revitalized spirit of faith in every parish, every community, and every heart,” ani Duterte.

“Under Pope Leo XIV’s stewardship, we look forward to a Church that fosters dialogue across faiths and cultures, promotes solidarity among nations, and tirelessly works for peace. May his guidance open new paths for reconciliation, understanding, and cooperation in our troubled world.”

Hiniling din ni Duterte na pagkalooban ng Panginoon ang bagong Santo Papa ng masaganang karunungan, lakas ng loob, at kalusugan.

“And may the Philippines always be counted among those who uphold and advance the mission of the universal Church under your venerated leadership,” dagdag pa ni Duterte.

Nagsimula ang conclave para sa bagong Santo Papa noong Mayo 7 matapos ang pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21, 2025 dahil sa sakit.

MAKI-BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88