Binati ng nina U.S. President Donald Trump at Vice President JD Vance ang bagong-halal na Santo Papa na si Cardinal Robert Francis Prevost, na ngayo'y Pope Leo XIV, ang first American pope.
BASAHIN: First American pope: Cardinal Robert Prevost, ang bagong lider ng Simbahang Katolika
Matatandaang nito lamang Biyernes ng madaling araw, Mayo 9 (oras sa Pilipinas), nang mamataan ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican, matapos ang dalawang araw na conclave.
BASAHIN: Habemus Papam: Simbahang Katolika, may bago nang Santo papa
Sa social media posts binati ng dalawang mataas na opisyal ng Estados Unidos si Pope Leo XIV.
"Congratulations to Cardinal Robert Francis Prevost, who was just named Pope. It is such an honor to realize that he is the first American Pope. What excitement, and what a Great Honor for our Country. I look forward to meeting Pope Leo XIV. It will be a very meaningful moment!" saad ni Trump.
Pagbati naman ni Vance, "Congratulations to Leo XIV, the first American Pope, on his election! I’m sure millions of American Catholics and other Christians will pray for his successful work leading the Church. May God bless him!"