May 09, 2025

Home BALITA National

PBBM, nanalanging patuloy na ilalapit ni Pope Leo XIV ang simbahan sa mahihirap

PBBM, nanalanging patuloy na ilalapit ni Pope Leo XIV ang simbahan sa mahihirap
Pangulong Bongbong Marcos at Pope Leo XIV (File photo; via MB)

Nakiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbati para sa bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV, at ipinagdasal na patuloy nitong ilalapit ang simbahan sa mahihirap at mga kapus-palad.

Nitong Biyernes ng madaling araw, Mayo 9 (oras sa Pilipinas), nang ianunsyo ng Vatican na si United States (US) Cardinal Robert Francis Prevost ang ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika matapos mamataan ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel.

BASAHIN: Habemus Papam: Simbahang Katolika, may bago nang Santo Papa

BASAHIN: First American pope: Cardinal Robert Prevost, ang bagong lider ng Simbahang Katolika

National

CBCP, nanawagan sa mga mananampalatayang ipagdasal si Pope Leo XIV

“Habemus Papam! On behalf of the Philippines, I congratulate Cardinal Robert Francis Prevost of the United States on his election as the successor of Pope Francis and leader of the 1.4 billion-strong Catholic Church,” pagbati naman ni Marcos sa isang pahayag nitong Biyernes, Mayo 9.

“As the new pontiff, who took the papal name Leo XIV, ascends the Chair of St. Peter and assumes the mantle of Bishop of Rome, I pray that he will continue to bring the Church closer to the poor and disadvantaged,” dagdag niya.

Hiniling din ng pangulo ang maayos na kalusugan at kalakasan ni Pope Leo sa kaniyang pagiging bagong lider ng simbahan.

“The Filipino people are also praying for the new pope's strength and good health as he leads the faithful with grace, wisdom and compassion,” saad ni Marcos.

“May his life and ministry inspire us to persevere in our daily walk with our Lord Jesus Christ,” dagdag pa niya.

Nagsimula ang conclave para sa bagong Santo Papa noong Mayo 7 matapos ang pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21, 2025 dahil sa sakit.

MAKI-BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88