May 10, 2025

Home BALITA Internasyonal

Pagpili sa Santo Papa, ‘di puwedeng iasa sa ‘papabili’ —pari

Pagpili sa Santo Papa, ‘di puwedeng iasa sa ‘papabili’ —pari
Photo Courtesy: Vatican News (FB)

Inilahad ni Fr. Derick Vergara ang kaniyang pananaw hinggil sa konsepto ng “papabili,” isang Italyanong salita na tumutukoy sa mga mahahalal na Santo Papa, matapos ideklara bilang pinuno ng Simbahang Katolika si Cardinal Robert Francis Prevost, na ngayo’y si Pope Leo XIV.

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Biyernes, Mayo 9, sinabi ni Vergara na ang pagkaluklok ni Prevost bilang Santo Papa ay pagpapatunay na hindi totoo ang konsepto ng “papabili.”

“Pinatutunayan lang na talagang hindi totoo ‘yong mga papabili na nagsi-circulate ever since. We cannot rely on the concept of papabili dahil ito ay konsepto ng mundo, very far from the concept of the church,” saad ni Vergara.

Dagdag pa niya, “The concept sa atin is not to candidate yourself; to make yourself a candidate. But every position in the church is a ministry.”

Internasyonal

Bago maging Santo Papa: Cardinal Robert Francis Prevost, nakatabi ni Cardinal Tagle sa Conclave

Kaya para kay Vergara, ang pagpili ng mga cardinal kay Pope Leo XIV ay hindi dahil sa pagiging Amerikano kundi sa mga kaya nitong gawin lalo na noong ito ay Prefect of the Dicastery for Bishops pa lamang.

Matatandaang kabilang si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga key contender na “papabili.”

MAKI-BALITA:Cardinal Tagle, posibleng maging susunod na Santo Papa