May 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

Mga mananalong senador sa eleksyon, inordenahan ng Diyos — Tito Sotto

Mga mananalong senador sa eleksyon, inordenahan ng Diyos — Tito Sotto
Courtesy: Tito Sotto/FB

“Walang mananalo doon na hindi ginusto ng Panginoon na manalo…”

Naniniwala si senatorial candidate Tito Sotto III na inordenahan ng Diyos ang mga kandidatong mananalo sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Sinabi ito ni Sotto sa isang press conference nitong Biyernes, Mayo 9, na inulat ng Manila Bulletin.

"I believe that God has its ways. He knows what timing he wants. Those who will win on Monday and will have the votes of the people, definitely be ordained by God," ani Sotto.

Eleksyon

5 kandidatong senador na nasa final pre-election survey, 'very likely' lumusot sa Magic 12 —OCTA

"Walang mananalo doon na hindi ginusto ng Panginoon na manalo. Kaya tingin ko kung ganon ang trajectory ng Alyansa [para sa Bagong Pilipinas sa surveys], salamat sa Panginoon," saad pa niya.

Matatandaang nasa rank 2-4 si Sotto sa inilabas na survey ng Pulse Asia nitong Mayo, kung saan si reelectionist Senator Bong Go naman ang nanguna.

MAKI-BALITA: Bong Go, nananatiling 'top senatorial candidate' sa survey ng Pulse Asia

Sumusubok si Sotto na makuha ang kaniyang ikalimang termino bilang senador ng bansa sa pamamagitan ng pagtakbo niya sa ilalim ng senatorial slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na Alyansa.

Nakatakdang isagawa ang 2025 midterm elections sa Lunes, Mayo 12, 2025.