“Habemus Papam!”
Matapos ang halos dalawang araw na Conclave at 17 araw simula nang bakantihin ni Pope Francis ang kaniyang posisyon, nakapili na ang Simbahang Katolika.
KAUGNAY NA BALITA: Habemus Papam: Simbahang Katolika, may bago nang Santo papa
Ipinanganak sa Chicago at tubong Peru, ipinakilala ng Vatican si Cardinal Robert Francis Prevost, 69 taong gulang na mas kilala na ngayon bilang Pope Leo XIV.
Siya ang kauna-unahang Santo Papang nagmula sa Estados Unidos. Taong 1955 nang ipinanganak si Pope Leo XIV kung saan sa maagang edad ay nagsilbi na siya sa simbahan bilang isang altar boy at na-ordain noong 1982.
Tinatayang dalawang dekada ring iginugol ni Pope Leo XIV ang kaniyang buhay sa paglilingkod sa Peru kung saan doon na rin siya naging obispo noong 2014. Habang taong 2023 naman nang iluklok siya ni Pope Francis bilang Archbishop at Cardinal bago tuluyang matapos ang naturang taon.
Si Pope Leo XIV at ang social media
Noong Pebrero 2025, nang sagutin niya sa pamamagitan ng X ang naging pahayag ni US Vice President JD Vance hinggil umano sa pagmamahalan ng mga Kristiyano.
“JD Vance is wrong: Jesus doesn't ask us to rank our love for others,” saad noon ni Pope Leo XIV na umano ng 19M views.
Bago ang nasabing pagsagot niya kay US Vice President, isang maikling tweet din ang iniwan ni Pope Leo XIV patungkol sa isyu ng death penalty.
“It’s time to end the death penalty,” aniya.
Sinundan pa ito ng ilang retweets patungkol sa pagbubuwag at pagpigil ng implementasyon ng parusang kamatayan. Idinaan din niya sa retweet ang usapin ng gun control sa US, kung saan ni-retweet niya ang post ni noo’y US Senator Chris Murphy.
“To my colleagues: your cowardice to act cannot be whitewashed by thoughts and prayers.None of this ends unless we do something to stop it,” saad ng naturang tweet.
Habang batay naman sa kaniyang pinakabago at huling X activity noong Abril 15, ni-retweet ni Pope Leo XIV, ang isang post na tahasang umaalma sa usapin ng mass deportation ni US President Donald Trump.
“As Trump & Bukele use Oval to Feds’ illicit deportation of a US resident (https://bit.ly/3ROMjnP), once an undoc-ed Salvadorean himself, now-DC Aux +Evelio asks, “Do you not see the suffering? Is your conscience not disturbed? How can you stay quiet?” saad ng nasabing tweet.
Ang paghawak niya sa tungkulin sa Simbahan
Magmula nang maikuloklok siya ni Pope Francis bilang obispo noong 2014, nagsunod-sunod na ang paghawak niya ng mga posisyon na mismong si Pope Francis din ang nagbigay at nag-atas sa kaniya.
Noong 2015 nang maging obispo siya ng Chiclayo sa Peru. Sinundan ito noong 2019 na i-appoint siya ni Pope Francis bilang miyermo ng Congregation for the Clergy at 2020 naman nang i-appoint siyang maging miyembro ng Congregation for Bishops at bilang Apostolic Administrator of the Peruvian Diocese of Callao.
Taong 2023 naman nang tuluyan siyang papuntahin si Rome ni Pope Francis kung saan ginawa siyan Prefect of the Dicastery for Bishops at President of the Pontifical Commission for Latin America, kasunod nang pagiging Arsobispo niya. At noong 2024 nang i-promote siya ni Pope Francis siya sa Order of Bishops.
Bagama’t si Pope Benedict XVI ang unang Santo Papang gumamit ng social media platform na X noong 2012, si Pope Leo XIV ang nag-iisang Santo Papa na may social media history sa loob ng 14 na taon na nagpapahayag ng kaniyang saloobin sa isyu ng racism, sexual abuse ng mga kaparian, COVID-19 at giyera ng Ukraine at Russia.
Bilang isang Santo Papang nailuklok sa panahon ng makabagong teknolohiya, nakamanman ang mata ng bilyong Katoliko sa kaniyang magiging tindig sa mga isyung napapanahon katulad ng giyera, isyu ng karapatan at kasarian, climate change at iba pa.